Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Monica La Rose

Piliing Magdiwang

Ibinahagi ng manunulat na si Marilyn McEntyre ang kuwento ng kanyang kaibigan kung saan niya natutunan ang kasabihang “kabaligtaran ng inggit ay ang magdiwang.” Sa kabila kasi ng kapansanan ng kanyang kaibigan, nagagawa pa rin nitong ipagpasalamat ang bawat pagtatagpo sa ibang tao, bago siya pumanaw.

Nanatili sa akin ang kasabihang “kabaligtaran ng inggit ay ang magdiwang.” Nagpapaalala ito sa…

Perpekto Tulad Ni Cristo

Sinabi ng manunulat na si Kathleen Norris na ang pagnanais na maging perpekto ang lahat o perfectionism ang isa sa nakakatakot na salita sa mundo ngayon. Iba ito sa salitang perpekto na binanggit sa Aklat ni Mateo sa Biblia. Ang perfectionism kasi ngayon ay nag-uudyok sa mga tao na gumawa na walang anumang dulot na kawalan sa kanilang sarili. Pero ang binanggit…

Dakilang Karunungan

“Kailangan ng isang pastol ng dakilang karunungan at sanlibong mata para masuri niya ang kondisyon ng kaluluwa mula sa lahat ng anggulo.” Isinulat ni John Chrysostom ang mga ito bilang bahagi ng diskusyon sa pagiging kumplikado ng espirituwal na pag-aaruga sa iba. Dahil imposibleng pilitin ang sinuman na gumaling, binigyang-diin niya na para maabot ang puso ng iba, kailangan ng…

Minamahal Kita

Mahilig umakyat ng bundok si Cap Dashwood at tuwing umaakyat siya, lagi niyang kasama ang kanyang aso na si Chaela. Ang pangalang Chaela ay pinagsamang “Chae” na nagpapaalala sa namatay niyang aso, samantalang ang “la” ay pinaikling “Labrador angel.” Kamangha-mangha na sa loob ng 365 na araw, umakyat sila sa iba’t ibang bundok. Ang pag-akyat ng bundok at pag-alaga ng…

Salita, Tiwala, Damdamin

“Huwag magsalita, huwag maniwala, huwag makaramdam ang naging batas ng buhay namin,” sabi ni Frederick Buechner sa Telling Secrets, ang makapangyarihang talanggunita niya, “at kawawa ang susuway dito.” Nilalarawan niya ang kanyang karanasan sa tinatawag niyang “batas (na ’di nakasulat) ng mga pamilyang nawala sa ayos, sa kung ano mang kadahilanan.”

Sa sarili niyang pamilya, ibig sabihin ng “batas” na…